Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat.
Bilang pagpupugay sa simbolo ng ating bansa, inaanyayahan ang lahat na ipakita ang bandila ng Pilipinas sa mga tanggapan at opisina ng gobyerno, establisyimento, paaralan, at sa kaniya-kaniyang tahanan mula ikaw-28 ng Mayo hanggang ika-12 ng Hunyo ayon sa Presidential Proclamation No. 374 S. 1965 at Executive Order No. 179 S. 1994.
Patuloy nating itaas ang ating bandila nang may karangalan, paggalang, at pagkamakabayan.