Maligayang araw ng Pambansang Watawat, QCitizens!
Ipinagdiriwang mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 kada taon ang National Flag Days, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 374 na inilabas noong 1965 at Executive Order No. 179 noong 1994.
Paggunita ito sa araw na unang itinaas ang Pambansang Watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol sa Labanan sa Alapan noong 1898 sa Imus, Cavite.
QCitizens, bigyan natin ng pagpapahalaga ang ating watawat na sagisag ng ating kalayaan, at pagkakaisa tungo sa isang maunlad at payapang bayan.
