Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat. ![]()
Bilang pagpupugay sa simbolo ng ating bansa, inaanyayahan ang lahat na ipakita ang bandila ng Pilipinas sa mga tanggapan at opisina ng gobyerno, establisyimento, paaralan, at sa kaniya-kaniyang tahanan mula ikaw-28 ng Mayo hanggang ika-12 ng Hunyo ayon sa Presidential Proclamation No. 374 S. 1965 at Executive Order No. 179 S. 1994.
Patuloy nating itaas ang ating bandila nang may karangalan, paggalang, at pagkamakabayan.




