QCitizens, May is National Heritage Month! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Mayo ang #NationalHeritageMonth na may temang “Roots and Horizons: Our Shared Heritage, Our Collective Future.”
Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng ating pinagmulan at kung paano ito nagsisilbing gabay sa ating landas tungo sa hinaharap. Paalala rin ito na ang ating kultura, kasaysayan, at mga tradisyon ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi pundasyon sa paghubog ng isang progresibo at nagkakaisang lipunan.
Kaisa ang Quezon City Government sa pagpapanatili, pagpapahalaga, at pagpapalaganap ng mayamang pamana ng ating lungsod at bansa.
Sama-sama nating kilalanin ang ating pinanggalingan, ipagmalaki ang ating pagkakakilanlan, at isabuhay ang mga aral nito para sa mas inklusibo at makulay na kinabukasan. ![]()






