Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ipinagdiriwang ang #NationalHospitalWeek sa bansa tuwing Agosto 6 – 12 taun-taon, alinsunod sa Proclamation No. 181 s. 1993.
May tema itong “Juan Health for JuaNation: Makabagong Teknolohiya sa Ospital na Mapagkalinga”.
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, mas mabibigyan ng tama at de-kalidad na kalinga at masisigurong una sa serbisyong medikal ang bawat mamamayan.
Kaisa ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay-pugay sa dedikasyon at sakripisyo ng mga ospital, clinic at healthcare workers na patuloy na naglilingkod para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino.






