Bilang bahagi ng selebrasyon ng #NationalKidneyMonth2023, inilunsad ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) ang “Bato’y Alagaan Para sa Kinabukasan” kung saan nakahanda ang iba-ibang programa upang maitaguyod ang pangangalaga at pagpapalakas sa ating kidney.
Inilunsad din ang BotMD, isang chatbot na layong mag bigay ng impormasyon ukol sa pre-kidney transplant orientation and education, at ang Kidney Transplant Recipient and Kidney Donor Handbooks.
Nagsilbing panauhing pandangal at keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na selebrasyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng healthy at active lifestyle upang maiwasan ang mga kidney disease, at kung ano ang mga intervention ng pamahalaang lungsod upang mapanatiling malusog ang pangangatawan ng QCitizens.
Nakiisa rin sa selebrasyon sina NKTI Director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, at ang buong NKTI Executive Committee.