Alinsunod sa Proclamation No. 968 S. 2015, idineklara ang Abril bilang Buwan ng Panitikang Filipino o National Literature Month.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan” na layong isulong ang kahalagahan at ambag ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa ating bayan.