Dumalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Fellowship Night ng National Movement of Young Legislator (NMYL) – National Capital Region sa Clubhouse ng Third Greenmeadows. Nagbigay rin ng talumpati ang alkalde sa mga nakababatang legislators na mula sa iba-ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Mayor Joy na handa ang lungsod na suportahan ang organisasyon upang lalo pa itong lumago.
Dumalo rin ang mga konsehal ng QC na sina Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Dave Valmocina, Coun. Charm Ferrer, Coun. Doc Ellie Juan, Coun. Vito Generoso, Coun. TJ Calalay.