Newborn Screening Awareness Week!
Base sa Presidential Proclamation No. 540, idineklara bilang “National Newborn Screening Awareness Week” ang unang linggo ng Oktubre.
Mahalagang sumailalim sa newborn screening test ang mga sanggol upang matukoy ng maaga kung sila ay may seryosong kundisyon.
Magpakonsulta sa pinakamalapit na primary care provider upang masigurong ligtas si baby sa anumang congenital disorder o mental retardation na pwedeng maging sanhi ng maagang pagkamatay.