Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 183 S.1993, itinalaga ang buwan ng Hunyo bilang National No Smoking Month.

Layon nitong palawakin ang kamalayan ng publiko ukol sa negatibong epekto ng paninigarilyo, at mahikayat ang mga naninigarilyo na ihinto ang bisyo.

QCitizens, magkaisa po tayo sa pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mahal sa buhay, lalo na ang mga kabataan.