Nakiisa ang pamahalaang lungsod sa ika-20 taon ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month ngayong Setyembre na pinangunahan ni Presidental Peace Adviser Sec. Carlito Galvez, Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa Quezon Memorial Circle.
Bilang simbolo ng pakikiisa ng QC sa peacebuilding initiatives ng pamahalaan, nilagdaan nina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Sec. Galvez, at iba pang panauhin ang Pledge of Commitment for Peace. Sinundan ito ng Candle lighting at pagpapatunog ng Peace Bell.
Suportado naman ang programa nina KAPATIRAN Chairperson Veronica Tabara at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Liaison Office in Metro Manila (BLOMM) Director Gafur Arami Kanain.
Hangarin ng programa na palawigin ang peace process sa mga conflict-vulnerable communities at makamit ang pangmatagalang kapayaan sa bansa.
Sa bisa ng Proclamation No. 675, s. 2004, idineklara ang buwan ng Setyembre bilang National Peace Consciousness Month.