Nakiisa ang pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month ngayong Setyembre na pinangunahan ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez, Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa Quezon Memorial Circle.
Bilang tanda ng pakikiisa ng lungsod sa mga peacebuilding initiatives ng pamahalaan, nakibahagi sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya, Vice Mayor Gian Sotto, at iba pang panauhin sa seremonya ng pagpapatunog ng Peace Bell.
Layunin ng programa na palawakin ang peace process sa mga conflict-vulnerable communities at isulong ang pangmatagalang kapayapaan para sa buong bansa.
Sa bisa ng Proclamation No. 675, s. 2004, idineklara ang buwan ng Setyembre bilang National Peace Consciousness Month.








