Nagsilbing guest of honor at keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng National Peace Consciousness Month 2023 na pinangunahan nina Presidental Peace Adviser Sec. Carlito Galvez, Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa Quezon Memorial Circle.

Bilang tanda ng pakikiisa ng pamahalaang lungsod, pumirma si Mayor Joy sa Pledge of Commitment for Peace, at sinundan ito ng Candle lighting, at pagpapatunog ng Peace Bell.

Layon ng programa na palawigin pa at ipagpatuloy ang peace process sa mga conflict afflicted areas at conflict-vulnerable communities sa bansa. Isa rin sa adbokasiya ng National Peace Consciousness Month na pag-ibayuhin pa ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Nakiisa rin sa okasyon ang iba-ibang diplomat at mga kinatawan ng national government agencies sa bansa.

+46