Bilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (#4PH) Program ng national government, binuksan ng National Real Estate Association, Inc. (NREA) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang housing trade exhibit sa Trinoma.

Tampok sa exhibit na may temang “Catalyzing Housing Sector Convergence behind 4PH: Challenges and Opportunities” ang iba-ibang serbisyo at proyekto ng housing at real estate stakeholders.

Sa kanyang mensahe, binanggit ni Mayor Joy ang mga programa ng lungsod para sa sektor ng housing at real estate tulad ng Real property viewer sa QC E-Services. Tiniyak din ng alkalde na bukas ang lungsod na makipagtulungan sa mga real estate professional para matugunan ang kanilang mga suliranin.

Nakiisa rin si Mayor Joy sa ribbon-cutting ceremony ng exhibit, kasama sina DHSUD Housing and Real Estate Development Regulation Bureau Director IV Atty. Angelito Aguila, OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, Department of Education Usec. Epimaco Densing III, PAGIBIG Home Lending Operations Cluster Deputy Chief Executive Officer Benjamin Felix, Jr., NREA National President Ruth Marie Atienza, NREA Chairwoman Imelda Magtoto, at iba pang real estate and housing stakeholders.

+24