Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtipon ang mga campus journalist mula sa labingwalong rehiyon sa bansa para sa National Schools Press Conference 2026 na ginaganap sa Ormoc, Leyte.
Kabilang sa delegasyon ng National Capital Region ang mga mag-aaral mula sa Quezon City.
Dumalo ang mga mag-aaral sa pagbubukas ng programa kasama ang mga opisyal ng Schools Division Office of Quezon City, kanilang principal at coaches, school paper advisers sa lungsod, at kapwa delegado.
Ang paglahok ng mga mag-aaral mula sa lungsod ay patunay ng husay ng kabataang QCitizens sa larangan ng campus journalism.
Ngayon pa lamang, binabati na ng lokal na pamahalaan ang mga mag-aaral na bahagi ng NSPC 2026!








