Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga programa ng Lungsod Quezon na tumutugon sa mga kababaihan, kabataan, LGBTQIA+ community, senior citizens, at persons with disability sa National Screening Committee ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Disyembre 1.

Kinilala ng CHR ang Alkalde bilang awardee ng “Gawad Tanggol Karapatan” para sa National Capital Region.

Mismong sina Director Atty. Jasmin Regino, Legal Division Chief Atty. Richard Laron, at Investigation Office OIC Ronnie Rosero ang nakipagpulong kay Mayor Joy upang kilatisin ang mga programa isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa mga vulnerable sector sa QC.

Ayon sa Alkalde, core principle na kanyang administrasyon ang tiyaking lahat ng QCitizens ay kasama sa kaunlaran at walang residente o sektor ang maiiwan.

Bahagi ng ipinaliwanag na programa ni Mayor Joy ang QC Protection Center para sa mga Victims of Gender-Based Violence and Abuse, at ang Tindahan ni Ate Joy na nagbibigay ng economic empowerment para sa mga solo parents.

Kasama rin ang gender-fair ordinances at mga programa para sa rainbow coummunity tulad ng Right to Care Card, Gender-Fair Ordinance, at ang safe spaces act. Para sa mga Kababaihan at kabataan naman nariyan ang Kabahagi Center for Children with Disabilities, Kabahay Kanlungan, at ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan na labanan ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children.

Nais din ni Mayor Joy na lahat ng programang ito ay maging institutionalize upang tunay na mapakinabangan ng mga residente ngayon at sa mga susunod na panahon.

+2