
Lumahok ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa National Simultaneous Earthquake Drill na ginanap sa Quezon City Hall Compound bilang paghahanda sakaling magkaroon ng magnitude 7.2 na lindol.
Pinangunahan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang evacuation, assessment at paghahanda para sa earthquake drill, kasama ang ilang departamento sa lungsod na bahagi ng Rapid Damage Analysis and Needs Assessment (RDANA) Teams.
Bahagi ng paghahanda ang tamang paraan ng ‘Duck, Cover and Hold’ at maayos na evacuation ng mga kalahok, mula sa mga kawani hanggang sa publiko.
Nakibahagi rin sina QCDRRMO OIC and Secretary to the Mayor RJ Belmonte at City Administrator Michael Alimurung sa ginanap na drill. Ayon kay Sec. RJ, mahalagang patuloy na maghanda at magsanay ang pamahalaang lungsod sa anumang hazard o sakuna.


























