Alinsunod sa Proclamation No. 647, s. 1990, ginugunita ngayong Oktubre 2024 ang ika-35 National Statistics Month ng Philippine Statistical System.
Ito ay may temang “Advancing Data and Statistics Through Digital Transformation: A Road to an Empowered Nation”.
Layon nitong ipakita ang makabagong pagkalap ng datos at istatistika gamit ang iba-ibang digital tools at platforms upang makagawa ng mga programang angkop sa bawat sektor ng lipunan.