October is National Statistics Month, QCitizens! ![]()
Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre ang National Statistics Month, alinsunod sa Proclamation No. 647, s. 1990.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Tuklas Pilipinas: Statistics as Beacon Towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism.”
Layon nitong bigyang-diin ang mahalagang papel ng datos sa paggawa ng mga desisyong makatutulong sa paghubog ng mas inklusibo, matatag, at community-centered na sektor ng turismo.
Sa Quezon City, patuloy na isinusulong ang paggamit ng data-driven systems sa pagpaplano at pagbuo ng mga programa upang mapangalagaan ang mga likas na yaman ng lungsod, mapanatili ang kultura at tradisyon, mapalago ang turismo, at makalikha ng mga oportunidad para sa bawat QCitizen.






