Ang buhay mo ay mahalaga❤️

May mga tao, grupo at institusyon na handang makinig sa iyong problema at magbigay suporta.

Maraming mga programa at inisyatibo ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City para sa pangangalaga ng mental health ng mga QCitizen gaya ng pagsasabatas ng QC Mental Health Ordinance o Mental Health Code, pagkakaroon ng Mental Wellness Access Hub, pagbubuo ng 24/7 Mental Health Hotline, pagtatayo ng Mental Health Halfway Home, at integrated mental health service delivery network.

Hinihikayat ang lahat na magpa-konsulta sa mga experto para sa kanilang mental wellness.

Tandaan na kahit sa pinakamadilim na sandali, may liwanag na naghihintay.

Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong o makakausap, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:

• QC Helpline 122

National Center for Mental Health Crisis Hotline:

• 1553 (Nationwide landline toll-free)

• GLOBE / TM: 0917-899-8727; 0966-351-4518

• SMART / SUN / TNT: 0908-639-2672