Hindi ka nag-iisa.
Ngayong National Suicide Prevention Week, ating itaas ang kamalayan sa mga isyu tungkol sa mental health at suicide.
Sama-sama tayong magbigay ng liwanag ng pag-asa at suporta at ipaalala sa sinumang nahihirapan na hindi sila nag-iisa.
Ang Quezon City Government ay patuloy na nagsusulong ng mga programa at inisyatibo para sa pangangalaga ng mental health ng mga QCitizen.
Kabilang dito ang pagsasabatas ng QC Mental Health Ordinance o Mental Health Code, pagkakaroon ng Mental Wellness Access Hub, pagbubuo ng 24/7 Mental Health Hotline, pagtatayo ng Mental Health Halfway Home, at integrated mental health service delivery network.
Hinihikayat ang lahat na magpa-konsulta sa mga eksperto para sa kanilang mental wellness.
Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong o makakausap, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:
• QC Helpline 122
National Center for Mental Health Crisis Hotline:
• 1553 (Nationwide landline toll-free)
• GLOBE / TM: 0917-899-8727; 0966-351-4518