QCitizen, hindi ka nag-iisa. ![]()
![]()
![]()
Ginugunita natin ang National Suicide Prevention Week simula September 7 hanggang September 13, 2025 ngayong taon.
Layon nitong itaas ang kamalayan ng publiko sa mga isyu tungkol sa kalusugang pangkaisipan, partikular na ang suicide.
Sa Quezon City, patuloy ang pagpapaigting ng iba-ibang programa upang mapangalagaan at mas mailapit ang mental wellness services sa mga QCitizen.
Kabilang na rito ang pagsasabatas ng QC Mental Health Code of 2022, pagkakaroon ng Mental Wellness Access Hubs, paglulunsad ng 24/7 Mental Health Crisis Hotline, at pagtatayo ng Mental Health Halfway Home.
Para sa iba pang impormasyon ukol sa libreng mental health services tulad ng screening, counseling, gamot, at referral, bisitahin ang mga link na ito:
https://quezoncity.gov.ph/…/free-mental-health-medicines
https://www.facebook.com/share/p/1949C1Zvud
Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong o may kakilala kang nakararanas ng matinding krisis, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:
QC Helpline 122
NCMH Crisis Hotline: 1553 or 1800-1888-1553 | 0919-057-1553 | 0917-899-8727 | 0966-351-4518
Hopeline PH: (02) 804-4673 | 0917-558-4673 | 0918-873-4673 | 2919 (toll-free Globe/TM)
Hindi pa ito ang dulo ng iyong kwento; magpapatuloy tayo.
#NationalSuicidePreventionWeek




