Kasama mo kami, QCitizen. ![]()
![]()
Ngayong linggo, ginugunita natin ang National Suicide Prevention Week simula September 6 hanggang September 12 ngayong taon.
Sama-sama nating suportahan ang isaβt isa at itaas ang kamalayan sa mga isyu tungkol sa mental health at suicide.
Dito sa QC, patuloy na isinusulong ang iba-ibang programa at inisyatiba para sa kalusugang pangkaisipan ng mga QCitizen.
Kabilang dito ang QC Mental Health Ordinance o Mental Health Code, Mental Wellness Access Hubs, at 24/7 Mental Health Hotline.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa libreng mental health services sa lungsod, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/share/p/1EBdeDBRLh/
Kung ikaw o ang kakilala mo ay nangangailangan ng tulong o makakausap, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:
QC Helpline 122
NCMH Crisis Hotline: 1553 or 1800-1888-1553 | 0919-057-1553 | 0917-899-8727 | 0966-351-4518
Hopeline PH: (02) 8804-4673 | 0917-558-4673 | 0918-873-4673 | 2919 (toll-free Globe/TM)
May makikinig at handang umalalay sa inyo. ![]()
#NationalSuicidePreventionWeek






