Panalo ang QC!
Tumanggap ng tatlong parangal ang Lungsod Quezon sa National Top Performing Provinces, Cities, & Municipalities in Strengthening Local Government Finance For Fiscal Years 2022 & 2023 Awards ng Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Highest (Top 1) Local Sourced Revenue for Fiscal Year 2022 & 2023
Highest (Top 1) Year-on-Year Growth in Local Sourced Income for Fiscal Year 2023.
Iginagawad ang pambansang pagkilala sa mga lokal na pamahalaan, kaugnay ng mahusay at masinop na pamamahala at pagkolekta ng buwis tungo sa pag-unlad ng lungsod na kanilang nasasakupan.
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang award, kasama si City Treasurer Mr. Edgar T. Villanueva sa pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng BLGF.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Department of Finance Sec. Ralph Recto, BLGF Exec. Dir. Consolacion Agcaoili, BLGF Usec. Bayani Agabin, Department of Information and Communications Technology Usec. David Almirol at City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo.