Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 55 s. 1998 na nagdedeklara ng Disyembre bilang #NationalVolunteerMonth, idineklara naman ng Quezon City ang buwan ng Disyembre bilang “Buwan ng Bayanihang Bayan sa Lungsod Quezon” batay sa Ordinance No. SP-2416, s. 2015.

Sama-sama tayong maghatid ng serbisyo at tulong sa ating komunidad. Ang bawat pagtulong ay hakbang tungo sa mas maunlad at mas matibay na bansa.