Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Base sa Presidential Proclamation No. 55 s. 1998, idineklara ang buwan ng Disyembre bilang National Volunteer Month. Alinsunod dito, idineklara naman ng Quezon City ang Disyembre bilang “Buwan ng Bayanihang Bayan sa Lungsod Quezon” batay sa Ordinance No. SP-2416, s. 2015.
QCitizens, tara na’t magtulungan at magkawanggawa sa ating komunidad. Sama-sama tayong magkapit-bisig tungo sa mas maunlad na lungsod at mas matatag na bansa.




