Ipinagdiwang ng QC ang araw ng mga kababaihan sa ginanap na kick-off ceremony ng pamahalaang lungsod para sa National Women’s Month na pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal at department heads. Nakiisa rin ang mga kawani ng QC government at women advocates na non-government organizations.
Inilahad ni Mayor Belmonte ang mga napagtagumpayan ng QC para sa mga kababaihan sa kanyang State of the Women Address mula sa pangkalusugan, social services, edukasyon, pangkabuhayan at marami pang iba. Ayon sa alkalde, mahalaga ang pagtutulungan ng komunidad sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan tungo sa pagkakaroon ng progresibong lungsod na nagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at nagbibigay respeto para sa lahat.
Binigyang parangal din ang mga mag-aaral na nagwagi sa ginanap na VAW Free QC for Reel competition. Sabay-sabay din umindak ang mga kababaihang kawani ng Lungsod Quezon sa ginanap na parade at dance performances.
Ating bigyang pagpupugay ang mga kababaihan ngayong International Women’s Day!