Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month ng Quezon City Police District (QCPD), at nagbigay-pugay sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng lungsod.
Bahagi ng programa ang paglulunsad ng “Kabuhayan ni Misis”, kung saan nabigyan ng pagsasanay sa iba-ibang livelihood skills ang mga asawa at babaeng kaanak ng QCPD officers.
Ipinakilala rin ang P.R.I.D.E. (Policewomen for Road Safety, Integrity, Discipline, and Enforcement) na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga policewomen sa pagpapatupad ng batas at pagsusulong ng disiplina sa kalsada.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang mahalagang ambag ng kababaihan sa hanay ng pulisya, hindi lamang bilang tagapagpatupad ng batas, kundi bilang mga tagapaglingkod na may malasakit sa komunidad.








