Ang buwan ng Enero ay National Zero Waste Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 760, series of 2014.
Panatilihin natin ang kalinisan ng ating kapaligiran, wastong pagtatapon ng basura, at gawin ang 3Rs o ang Reduce, Reuse, at Recycle.
Sa simpleng hakbang, makakatulong tayo sa pangangalaga ng kalikasan.
May iba-ibang proyektong isinusulong ang ating lokal na pamahalaan upang mabawasan ang plastic waste ng lungsod.
Isa na rito ang #QCTrashtoCashback Program kung saan maaaring ipapalit ang naipong recyclable materials upang makakuha ng Environmental Points na magagamit pambili ng groceries, pag-order online, pambayad ng utility bills, at iba pang incentives.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/qc.climatechangedepartment/posts/318663317028239
