Nagsagawa ng Active Attack Incident Simulation Exercises ang Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director PBGen Christopher Olazo bilang bahagi ng Nationwide Simultaneous School Safety Drill nitong Huwebes, September 3, 2026 sa Quirino High School at Batasan Hills National High School.
Katuwang ang Department of Education (DepEd), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), mga guro, magulang, at barangay officials, isinagawa ang briefing at simulation upang mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral at school personnel sa pagtugon sa posibleng emergency at violent incidents.
Patuloy ang lokal na pamahalaan, QCPD, DILG, at NCRPO sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at komunidad upang maisulong ang ligtas at child-friendly na learning environment para sa bawat mag-aaral.










