Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naimbitahan si Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga keynote speaker sa ginanap na Nature-Based Solutions Conference ng Landscape Contractors and Industry Specialists of the Philippines.
Ibinahagi ng alkalde ang iba-ibang nature-based solutions na ipinapatupad sa QC, gaya ng drainage masterplan, pagtatatag ng detention at retention basins, at pagde-develop ng karagdagang pasyalan at open spaces sa lungsod.
Kasabay nito, sinisiguro rin ng lokal na pamahalaan na sustainable at inklusibo ang bawat proyekto na ipinapatupad sa mga komunidad.
Ang Nature-Based Solutions Conference 2026 ay dinaluhan ng mga landscape professional at industry specialists mula sa iba-ibang organisasyon at ahensya.










