QC IS AN INCLUSIVE CITY!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na National Capital Region (NCR) Gender and Development (GAD) Summit 2023 na inorganisa ng Quezon City GAD Council at UN Women.
Ayon kay Mayor Joy, mahalaga ang sama-samang pagkilos upang tunay na masolusyunan ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan.
Ang summit ay dinaluhan ng ilang NCR mayors, councilors, implementers, key stakeholders, QC Department heads, GAD advocates and professionals mula sa 17 local government units sa NCR.
Nasaksihan din ng mga dumalo ang itinayong Summit Exhibit na nagpapakita ng iba-ibang GAD programs at best practices ng 17 LGUs para sa kanilang mga komunidad.
Kasunod ni Mayor Joy na nagbigay ng message of support sina Kingdom of Netherlands Ambassador Marielle Geraedts, Philippine Commission on Women Executive Director Atty. Kristine Yuzon, Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Marge Gutierrez at UN Women Country Programme Coordinator Rosalyn Mesina.
Upang maibahagi ang kanilang mga karanasan bilang women leaders, dumalo bilang mga panelists sina Mayor Joy, Malabon City Mayor Jeannie Ng-Sandoval, Zamboanga del Sur Mayor Junaflor Cerilles, at Pasig City Councilor Corazon Raymundo.
Panelists din sina Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, veteran journalist and UN Women National Goodwill Ambassador Karen Davila, Connected Women Founder Gina Romero, at Dr. Nathalie Africa-Verceles ng UP Diliman – Department of Women and Development Studies, College of Social Work and Community Development.
Nag donate din sina Mayor Joy, Coun. Doray Delarmente, Coun. Candy Medina, at Coun. Irene Belmonte ng kanilang mga personal na damit na isusubasta. Ang malilikom na pondo nito ay mapupunta sa Haven for Women.
Present din sina Coun. Nanette Daza, Coun. Ellie Juan, Coun. Aly Medalla, Muntinlupa City Councilor Irene Elago, DILG Regional Director Maria Lourdes Agustin, at si Trina Biazon na asawa ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.