ABANTE, BABAE! 💁‍♀️

Isa-isang nagbahagi ang mga gender equality champions at women leaders ng kanilang mga karanasan, initiatives, at programs sa idinaos high-level panel discussions ng NCR GAD Summit 2023 ng Quezon City Gender and Development Council at UN Women.

Tinalakay nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Malabon City Mayor Jeannie Ng-Sandoval, Dumalinao, Zamboanga del Sur Mayor Junaflor Cerilles, at Pasig City Councilor Corazon Raymundo ang good governance, inclusive leadership, at decision-making bilang mga kababaihang lider.

Ayon kay Mayor Joy, ang tunay na inclusive society ay may pagpapahalaga sa mungkahi ng bawat sektor ng lipunan.

Isinusulong ng Lungsod Quezon ang participatory governance sa pamamagitan ng People’s Council of Quezon City. Higit sa 4,000 civil society organizations, aabot sa 1,000 ang women orgs, ang katuwang ng lungsod sa pagbalangkas ng mga ordinansa, proyekto, at programang pinakikinabangan ng QCitizens.

Malalimang diskusyon ng women empowerment naman sa media, climate action initiatives, education, at women in AI and technology ang pinag-usapan nina Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, veteran journalist and UN Women National Goodwill Ambassador Karen Davila, Connected Women Founder Gina Romero, at Dr. Nathalie Africa-Verceles ng UP Diliman – Department of Women and Development Studies, College of Social Work and Community Development.

Ang 6th NCR GAD Summit 2023 ay dinaluhan din ng mga councilors, implementers, key stakeholders, QC Department heads, GAD advocates and professionals mula sa 17 local government units sa NCR.

+6