Humakot ng parangal ang kabataang QCitizen na si Nica sa 2024 NCR Paralympics na ginanap sa Rizal High School sa Pasig City!
Si Nica, isa sa mga kabataang kasalukuyang nasa Bahay Kalinga, ay nagkamit ng gintong medalya sa 200-meter event, bronze sa 100-meter event, at 4th place sa running long jump.
Tinalo niya ang nasa 30 pang atleta mula sa iba-ibang paaralan sa Metro Manila.
Isa si Nica sa mga magiging kinatawan ng NCR sa National Paralympics sa Cebu sa Hulyo.




