Maraming salamat sa paglilingkod at pagmamahal sa mga QCitizen, KonsiKap Victor “Jun” Ferrer Jr!
Sama-samang inalala ng mga kaibigan, kamag-anak, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang buhay at mga nagawa ni KonsiKap Jun bilang public servant.
Naglingkod sa loob ng mahigit 40 taon bilang punong barangay ng Bahay Toro at Konsehal ng District 1, si KonsiKap Jun ay kilala bilang lingkod-bayan na mahusay, masipag, at madaling lapitan.
Siya ang may akda ng City Ordinance SP-1081, S-2001 na nagbibigay ng 20 percent discount para sa mga taxpayer na maagang nagbayad ng kanilang amilyar. Dahil dito, mas nahikayat ang mga negosyanteng mag-invest at magtayo ng negosyo sa lungsod.
Nagbalik-tanaw at nagbigay naman ng kanilang mensahe sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, former Coun. Pinggoy Lagumbay, former Rep. Bong Suntay, at former Speaker of the House of Representatives at former QC Mayor Sonny Belmonte.




