Bilang tagapagsulong ng urban agriculture sa lungsod, hindi pinalagpas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagbisita sa Netafim, isa sa mga nangungunang irrigation company hindi lamang sa Israel kundi sa buong mundo.
Kasama ang delegasyon ng Quezon City, inikot nina Mayor Belmonte ang hydroponic garden at mga makinarya sa Netafim na ginagamit sa irigasyon.
Isa sa mga layunin ng kumpanya ay ang makatulong sa sustainable initiatives sa pamamagitan ng paggawa ng mga irrigation equipment, technologies at system na magagamit sa agrikultura.
Sa kasalukuyan ay patuloy rin ang QC sa pagpapaunlad ng mga programang pang-agrikultura tulad GrowQC.