Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong Miyerkules, muling dumalo ang mga department head at kawani ng lokal na pamahalaan sa Day 3 ng New Government Procurement Act (NGPA) Caravan sa QC M.I.C.E. Center.
Sa tatlong araw na training, tinalakay ang mga bagong probisyon ng Republic Act 12009 (NGPA) na nagsusulong ng modernization at digitalization sa kabuuang sistema ng public procurement.
Bumisita rin sa caravan si former Department of Budget and Management OIC Secretary Rolando Toledo.
Ang NGPA Caravan ay inorganisa ng QC Procurement Department, sa pakikipagtulungan sa Government Procurement Policy Board (GPPB).










