Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
New Government Procurement Act (NGPA) caravan goes to QC! ![]()
Sumailalim ang mga opisyal at kawani ng Quezon City Government sa tatlong araw na NGPA training, na inorganisa ng Government Procurement Policy Board (GPPB).
Tinalakay sa pagsasanay ang mga bagong probisyon sa ilalim ng Republic Act 12009, na nag-modernize sa kabuuang proseso ng procurement at pagpapatupad ng kontrata at serbisyo mula sa mga winning bidder at supplier.
Bukod sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan, nakiisa rin sa programa sina City Administrator Mike Alimurung, City Budget Officer Marian Orayani, iba pang city department head, at ang mga GPPB Recognized Trainers kabilang sina Juliana Sunga, Leslie Cañafranca, at Atty. Christine Paciencia.










