Sumailalim na sa New Government Procurement Act (NGPA) training ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga barangay na nakatalaga sa procurement process ng kanilang ahensya.
Sa pangunguna ng Government Procurement Policy Board (GPPB), tatalakayin sa mga empleyado ang mga nilalaman ng NGPA, at kung paano ito mas makakatulong sa kabuuang proseso at sistema ng pamahalaan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na mahalaga ang bagong batas para matiyak ang kalidad ng serbisyo at produkto mula sa mga supplier.
Nakatuon din ang NGPA sa pagsusulong ng transparency at good governance, kaya’t masisiguro na bawat sentimo ng buwis ay napupunta sa mabuti, maayos, at de-kalidad na serbisyo at produkto.
Dahil sa pagiging kampeon ng mabuti at malinis na pamamahala, QC ang naging pilot site ng NGPA Caravan.










