Tuloy-tuloy ang paglalagay ng mga panibagong end-of-trip facilities (EOT) o mga bike sheds sa iba-ibang lugar sa Lungsod Quezon ngayong buwan.
Matatagpuan ito sa Gate 3, Gate 8, at Steel Parking ng City Hall. Bukod dito, kasalukuyan din ang paglalagay sa Lung Center of the Philippines, at PUP QC.
Proyekto ito ng Department of Transportation at Department of Public Works and Highways at isinaayos naman ng Lokal na Pamahalaan ang mga lugar kung saan ito ilalagay.
Kasya ang 10 bisikleta sa bawat bike shed at mayroon din itong kasamang repair stations para magamit ng mga siklista.
Madadagdagan pa ang mga bike sheds at racks na ilalagay sa buong lungsod. Kabilang sa pagtatayuan nito ang mga pampublikong lugar gaya ng eskwelahan, government establishments, at mga palengke.