Bibida na ang galing ng mananahing QCitizen sa itinayong Textile Market sa Barangay Kamuning!
Sinilip nina Mayor Joy Belmonte at ng team QC ang gusali na 90% nang tapos at nagsisilbing tindahan ng mga tela na may mga patahian.
Magkakaroon ng exhibit room sa ground floor, kung saan ipapaskil ang mga disenyo ng mga mananahi. Mayroon din itong function hall sa roof deck, at rapid composting machine na nagko-convert ng basura para maging compost o fertilizer.
Kasama ng alkalde sa pagbisita sa itinatayong textile market sina Chief-of-Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, Market Development and Administration Department (MDAD) Chief PCol. Alex Alberto (Ret.), District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Konseho ng Barangay Kamuning sa pangunguna ni Punong Barangay Armie Castel.