BAGONG QCU SCHOOL BUILDING, BUKAS NA!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng bagong Academic Building at ang Urban Farming Innovation and Learning Center sa Quezon City University (QCU) kasabay ng 30th founding anniversary nito.
Ang school building na ito ay 7-storey na may roofdeck, 33 air-conditioned classrooms, rainwater collector room, 21 comfort rooms, library at digital library, offices, clinic, at audio visual room.
Mapakikinabangan na rin ng QCU ang kauna-unahang Urban Farm Center na proyekto ng lokal na pamahalaan at Department of Agriculture. Makikita rito ang mga smart farming techniques tulad ng household aquaponic and hydroponics, commercial hydroponics, raised bed farms, at mga greenhouses.
Dumalo rin sa inauguration ceremony sina District 5 Rep. PM Vargas, Coun. Aly Medalla, Coun. Ram Medalla, Coun. Joseph Juico, D5 Action Officer William Bawag, DA-Bureau of Plant Industry Director Gerald Panganiban, DA-Agricultural Training Institute Director Remelyn Recoter, QCU President Theresita Atienza at mga kawani ng QCU.




