Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
1ST WELLNESS CENTER SA QC SCHOOL ![]()
![]()
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang bagong bukas na Wellness Center sa Balingasa High School na nakalaan para sa mga estudyanteng QCitizens.
Pinuri ng alkalde ang inisyatiba ng paaralan, Oneheart Christian Fellowship, at barangay na magkaroon ng pasilidad na kakalinga sa mental health at psychological well-being ng bawat estudyante.
Hangad ni Mayor Joy na maging inspirasyon ang center upang mapanatili ang pagkakaroon ng mapagkalingang komunidad sa bawat paaralan sa lungsod.
Nakibahagi sa pagbisita sina Chief of Staff Rowena Macatao, Action Officer Ollie Belmonte, P/B Tes Montalbo at barangay council.










