Isinailalim sa drug testing ng Quezon City Special Drug Education Center (SDEC), sa pangunguna ni Dr. Clark Vincent Abay, DOH Accredited Physician sa QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), ang 30 Persons Deprived of Liberty (PDL) Plea Bargainers bilang bahagi ng kanilang Drug Dependency Evaluation.
Ang mga PDL ay sinusuri upang malaman kung sila ay low, moderate, o severe risk user para mairekomenda sa drug counselling sa pamamagitan ng Katatagan, Kalusugan at Damayan sa Komunidad, o mailipat sa Drug Rehabilitation Facility.
Ang Drug Dependency Evaluation ay bahagi ng programang ‘No Woman Left Behind’ ni Mayor Joy Belmonte.