Bilang bahagi ng programang No Woman Left Behind, ibinigay ni JO1 Hazelyn Himmiwat (Development Officer) ang Artisan Box, Room spray Kit, and Certificates of Training sa mga lumayang Person Deprived of Liberty (PDL).
Ang QC Artisan Box ay naglalaman ng beads, crochet at embroidery materials, upang maging panimulang kabuhayan nila.
Ang mga PDL ay nagtapos sa iba-ibang livelihood training habang pansamantalang namamalagi sa Quezon City Female Dormitory.
Una nang inihayag ni Mayor Joy Belmonte na “Malaki ang maitutulong ng programang ito para matugunan ang mga hamon at pangangailangan ng mga babaeng PDL, lalo na sa edukasyon, pangkabuhayan at kalusugan.”
Lubos na pasasalamat ang nais ipahatid ni JSUPT MARIA IGNACIA C MONTERON, City Jail Warden kay Mayor Joy para sa pagbibigay ng panibagong simula sa mga residente ng Tahanan ng Bagong Pag-asa, hanggang sila ay makabalik sa komunindad.