Lubos ang pasasalamat ng Lungsod Quezon sa North Luzon Expressway Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation sa kanilang donasyong 60 sako ng bigas para sa mga QCitizen na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte kasama si Social Services Development Department head Carol Patalinhug ang mga donasyon mula kay NLEX Officer-in-Charge at MPTC Chief Financial Officer, Mr. Luis S. Reñon.
Ang tulong na ito ay malaking ginhawa para sa mga pamilyang kasalukuyang bumabangon mula sa epekto ng kalamidad.


