Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Umiigting na ang excitement sa Nova Park, Novaliches Bayan habang isinasagawa ang rehearsals ng mga performers at huling paghahanda para sa Nova Countdown to 2026 mamayang 6:00 PM.
Tinututukan ang bawat detalye mula sa tunog at ilaw hanggang sa galaw sa entablado upang masigurong handa ang lahat para sa isang masaya, maayos, at ligtas na pagsalubong sa bagong taon.
Aabangan ang mga free live performances nina Angeline Quinto, John Roa, Ronnie Liang, Jeremy Glinoga, Khimo Gumatay, MC at Lassy, Jennica Garcia, Pixie Ppop Band, Von Martino & NXTSTAGE, Bayang Barrios, at Ang Naliyagan.








