BAGONG PARK AT OPEN GREEN SPACE NA NAMAN! ![]()
Dating sementadong plaza, ngayon parke at open green space na. Maaari nang pasyalan ang bagong bukas na Nova Park sa District 5.
Ito ay split-level park na binubuo ng multi-purpose area, elevated walk, lawns, historical monument, sculptural relief walls, bike racks, accessible ramps, at permeable ground covers.
Layon ng parke na maging bahagi ng city-wide heritage trail.
Sa pamamagitan ng mga sculptural relief walls, binibigyang-pagkilala nito ang naging kontribusyon ng Novaliches sa pag-aalsa ng Katipunan upang makamit ang ating kalayaan.
Matatagpuan ang bagong parke sa kahabaan ng Quirino Highway at Buenamar Drive.








