Bukas na sa publiko ang ‘Nuestra Señora del Rosario de La Naval: Ang Pintakasi ng Lungsod Quezon’ exhibit na matatagpuan sa Tunnel of Lights sa Quezon Memorial Circle!
Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkahirang sa Mahal na Birhen ng La Naval, bilang Patron ng Lungsod Quezon.
Makikita rito ang kasaysayan ng imahen ng La Naval, Sto. Domingo Church, at ang pagiging deboto ng mga QCitizens sa Patrona ng lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang ribbon-cutting ceremony kasama sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, District 4 Action Officer Al Flores, Traffic and Transport Management Department OIC Dexter Cardenas, Quezon Memorial Circle Administrator Windsor Bueno, at Rev. Fr. Roger Quirao, O.P. ng Santo Domingo Church.
Magtatagal ang exhibit hanggang Oktubre 15, 2023.




