NV goes to Kyusi!
Halina’t bisitahin at tangkilikin ang mga produkto ng Nueva Vizcaya kung saan tampok ang mga agricultural products tulad ng gulay at prutas, mga handicrafts, at wooden furnitures mula mismo sa mga magsasaka at Micro, Small, and Medium Enterprise (MSMEs).
Pinangunahan naman nina acting Mayor Gian Sotto, Nueva Vizcaya Vice Gov. Eufemia Ang-Dacayo, Majority Floor Leader Doray Delarmente, at Small Business and Cooperatives Development Office (SBCDPO) head Ms. Mona Celine Yap ang ribbon-cutting ceremony.
Nakiisa rin sina Councilors Charm Ferrer, Wency Lagumbay, at Vic Bernardo sa okasyon.
Maaaring mag-avail ng mga produkto mula Sept. 19-21 sa QC Hall path walk.